Thursday, August 26, 2010

Tha Hostage Taking

For the first time naranasan kong ikahiya sa ibang lahi ang pagiging Pilipino ko. Before I have no reason para ikahiya ko ang pagiging Pilipino ko, but after ng ginawang hostage taking ni Rolando Mendoza grabeh hiyang hiya na ko. Nakakahiya lalu na sa mga taga Hongkong at China kasi may napatay si Rolando na taga sakanila. Pero I don’t blame Rolando sa pangyayaring yun kahit na siya yung may gawa pero may pagkakamali din siya. Gusto niya lang makabalik sa work niya pero hindi tama yung step na ginawa niya. I blame all of this to the Police and the Media. First I don’t understand kung bakit kelangan nilang damputin yung kapatid ni Rolando na wala namang ginagawang kasalanan. Dun naman nagalit si Rolando eh, siguro wala siyang balak saktan dun sa mga hinostage niya, nagalit sya nung napanood niya sa TV yung paraan ng pagdadampot dun sa kapatid niya na kasalanan din ng Media. Alam ng Media na may TV sa loob ng bus at pwedeng pwedeng mapanood yun ni Romulo. Ilagay nalang nila yung sarili nila sa situation ni Romulo, hindi ba nila naisip na magagalit din sila pag dinampot ng ganun ganun lang yung kapatid mo. This time it’s too late to blame anyone else. I know naman na nobody wants this to happen. Pero kasi kung may tamang step na ginawa yung mga Police and Media maybe this will not be happen. Hindi ko din masisisi yung mga taga Hongkong and China, kasi kung nangyari din ito sa mga Pilipino sa lugar nila siguro magagalit din ako sakanila. Sana lang hindi nila lahatin na ang mga Pilipino ay ganun at sana sa time na may pera na ko para pumunta sa Disney land sana napatawad na nila tayo.

Sunday, August 22, 2010

Sana palagi nalang masaya

Bakit kaya ganun noh. Pag may saya may lungkot, diba pwedeng puro saya nalang?. Hay ang lungkot ko talaga ngayon. Yung pinakaclose ko kasing pinsan ko umuwi na siya, nagbakasyon siya ng ilang days dito sa bahay. Katabi ko pa naman siya sa kama, kaya hindi ko alam kung pano ko matutulog mamaya. Ilang minutes pa lang mula nung umalis siya pero namimiss ko na sya kaagad, sobrah!. Pinapanalangin ko nga n asana di muna siya uuwi ngayon kaya lang kelangan kasi. Ayaw na ayaw ko talagang nararamdaman to, yung malungkot. Buti nalang may duty na ko bukas hindi ako maglalagi dito sa bahay, hindo ko siya masyado mamimiss.

Tuesday, August 17, 2010

Ghost on Mirror


Dati hindi ako ganun kapaniwala na may multo. Although nakakaramdam na ko dito sa bahay. Pero iniisip ko nalang na baka guni guni ko lang kahit ang hirap kumbinsihin yung sarili ko na imposible namang guni guni mo lang yun. Tulad ng magisa lang ako sa kwarto nakahiga sa kama nakatalikod sa pintuan, nakaleft side lying position nang biglang umuga ng pagkalakas lakas yung kama ko na akala mo may malaking taong bumangga. Tumunog pa nga yung kama ko eh kasi bakal. Lingon ako agad sakaling baka may taong pumasok sa kwarto. Pero guess what wala!. tsaka kung may pumasok man kahit hindi ko na tignan alam ko ng may pumasok sa kwarto kasi lumalangitngit yung pintuan pag binubuksan at sinasara. Isa lang yan sa dami ng nararamdaman ko dito sa kwarto. Puro lahat ramdam, hindi sila nagpapakita sakin. Hanggang nung minsan nasa CR ako ng school. Duty ko sa school nun. OR kaya bago kami umuwi kelangan naming magbihis ng uniform hindi kasi kami pwedeng umuwi ng nka scrubsuit. Sakto pang naiwanan ako nila Nina, clay at camille, at sarado pa yung CR sa first floor kaya umakyat ako sa third floor para lang magbihis. Guess what ako lang magisa sa CR. Nakakaramdam na ko ng kaba kasi ako lang magisa, maliban nalang kung hindi pala ako nagiisa may kasama pala ko hindi ko lang siya nakikita. Nilakasan ko nalang yung loob ko. Humarap ako sa salamin, kitang kita ko na lahat ng cubicle bukas at walang tao. Hinubad ko na yung smock gown ko at tinupi. Dun ako nagtupi sa lababo kaya ang pwsesto ko nakaharap sa salamin pero nakayuko ako. HIndi ko pa tapos tupiin yung smock gown ko itinayo ko na yung ulo ko at tumingin ako sa salamin. Over hindi ako nakakilos, kinilabutan ako. Gusto kong sumigaw at tumakbo pero parang hindi ko kaya, hindi ko alam kung bakit. Nakita ko babae nasa likuran ko, hindi ko nakita yung mukha nya kasi natatakpan sya ng ulo ko. Parang itinago niya yung mukha niya sa ulo ko. Hindi ko alam kung bakit nagpakita na nga siya sakin itinago pa nya yung mukha niya. Nakawhite sya, kitang kita ko yung mga kamay niya, yung hibla ng buhok niya. Nawala nalang siya bigla nung medyo nakapaglabas ako ng konting boses ko, kasi hindi ko talaga magawang sumigaw. Ayokong lumabaas ng CR kasi alam ko na pag lumabas ako hinding hindi na ko papasok, eh hindi pa naman ako nakabihis. Buti balang may babaeng nag CR binilisan ko talaga magbihis para may kasama ko. Piliti kong pinapasok sa isip ko na guni guni ko lang yun. Pero pano magiging guni guni ang more than 5 seconds mong nakita?. Kitang kita ko yung bawat detalye ng katawan niya, yung hibla ng buhok niya, yung kamay niyang maputi, yung suot niyang puti. Sana next time na magpakita siya sakin ipakita na niya sakin yung mukha niya. Feeling ko kasi hindi niya intensyong takutin ako. Kasi kung balak niyang manakot sana ipinakita na niya sakin yung makha niya. Baka may something sa mukha niya na alam niyang pag nakita ko baka himatayin ako sa takot.

Are Mermaids Real?


Bata pa lang ako curious na curious na ko kung totoo ba ang mga sirena. Bukod sa mga napapanood ko sa tv, madalas din silang pinapanakot sakin ng lola ko kapag naliligo kami sa dagat. Palagi niyang sinasabi na huwag daw ako pumunta sa malalim kc may sirena na daw dun. Lalo ko tuloy gustong pumunta sa malalim na part para makakita ng sirena. Kaya lang di ako marunong lumangoy eh. Pero ang hirap din kasi paniwalaan na may kalahating tao at kalahating isda. Ang hirap din paniwalaan kung totoo yung mga videos and pictures sakanila. Pero diba wala namang usok kung walang apoy. Siguro maniniwala lang ako sakanila kapag nakita ko sila mismo. Kaso diba pano?...unang una hindi ko alam kung totoo ba talaga sila, baka mamaya naghahanap lang ako sa wala diba?. Siguro katulad din sila ng mga tao may mababait at may masasama. Siguro galit sila sa mga tao kasi ang dami ng taong sumisira ng tirahan nila. Kaya din siguro sila maiilap sa tao kasi akala nila masasama ang mga tao. Kasi hindi naman nila tayo nakaksalamuha eh. Parang tayo, iniisip natin sila yung nagpapalakas ng aklon para malunod tayo, iniisip natin masasama sila kasi hindi natin sila nakakasalamuha. Sana someday makakita ako ng tulad nila. Mahawakan ko yung buntot nila. Maitanong ko sakanila kung possible ding magkaroon sila ng mga paa.

Wednesday, August 4, 2010

Gggrrrrrrgggg!!!!!

Sabi nila do not speak when you are angry...ang daling sabihin pero para sakin mahirap gawin. Sobrang galit talaga kc ko sakanya. Bakit bestfriend ko pa kasi ang gumawa sakin nun. Hindi ko siya maintindihan. Pero alam ko na sa ngayon hindi ko sya kayang patawarin sa ginawa niya. Ilang beses ko ng narinig sakanya yung sorry pero wala namang nagbabago. Para sakin kasi pag sinabi mong sorry meaning di mo na uulitin. Para saan pa yung pagsosorry nya kung wala naman syang balak itigil yung maling ginagawa niya. Hindi ko kelangan ng sorry niya. HIndi ko talaga sya papansinin hanggat di ko nakikita na nagbago na siya.