

Naniniwala ako sa sinabi ni Isabelle Norton na in a friend you find a second self. Lahat naman ng tao nakikipagkaibigan dahil merong isang bagay na meron sakanilang dalawa. Although lahat ng tao unique pero at some point may makikita ka sa isang tao o sa kaibigan mo na pareho sayo. Kaya nga may kasabihang tell me who your friends are and I'll tell you who you are. Ang kaibigan mo ang sumasalamin sa kung anong klaseng pagkatao meron ka. Tulad ng mga bestfriends ko, kaming lahat si Joy, si Diane, si Grace parepareho kaming mahilig sa green jokes. Dyan kami talaga nagkakasundo sundo. Tsaka kami ni Grace pareho talaga kami ng nagugustuhan sa lahat ng bagay magkahati kami. Kahit sa pagkain, pag gutom na siya gutom nadin ako, si joy ang kabaligtaran namin. Ayan ang taong walang kagutuman. Kapag siya ang kasama ko mamamatay ako sa gutom, kaya pag kasama niyo si JOy huwag kayong mahihiyang mag-aya kumain kasi pag siya pa ang hinintay niyong mag-aya manginginig muna kayo sa gutom. Si Diane naman ang pinakamatagal kong bestfriend, nakakatawa siya lalu na pag umiral yung pagkagreen niya, kaya lang siya hindi antukin, ako kasi kaya kong matulog sa jeep siya hindi. Hmmm...bakit nga ba hindi pa ako nagkakaroon ng bestfriend na katulad kong antukin?
wow.. uu nga noh? heheh.. thanks law! :)
ReplyDeletebaka tawagin tayo nyang "the GREEN GIRLS"! hahah..