
Aside from my family, my friends also makes me happy. Lalu na kung kumpleto kaming magkakasama. Pero kahit na magkakaibigan at magkakasundo kami sa maraming bagay alam ko na may kanya kanya kaming buhay. Gano man kami kaclose ngayon hindi habang buhay magkakasama kami palagi. Ngayon pa ngalang na hindi pa kami gumagraduate unti unti nang nagkakawatak watak what more kung may kanya kanya na kaming trabaho. One year to go gagraduate na kami, masaya pero malungkot kasi sa oras na makagraduate na at magkaroon na nang trabaho dun ko talaga matatanong sa sarili ko, kelan kaya ulit mangyayari to, ang sama sama kami. Unang nawala si Merlinda, sumunod si Joy, ngayon sumunod nadin si Mark. Sana siya na yung last, sana wala nang mawawala ulit. Kahit na hindi na namin sila kasama ngayon still nandidito padin yung memories nila sa puso namin. At sa araw na magkasama sama ulit kaming lahat alam ko magiging masaya yun kahit na yung iba may pamilya na. Sana matutunan ko nadin patawarin si Joy sa mga kasalanang ginawa niya. Sana marealize ko na tao lang din siya na nagkakamali. Sana walang makalimot samin, sa mga pinagsamahan namin. Sana kahit matatanda na kami hindi padin namin malimutan ang isa't isa. Sana in the future pati mga anak namin magakakaibigan din. Tama nga yung sabi nila na pag naaalala mo yung happy memories together with them maiiyak ka talaga.
No comments:
Post a Comment