Tuesday, September 21, 2010
Katamaran =(
In life madaming trials, minsan mahirap labanan. Pero para sakin ang pinakamahirap labanan ay yung katamaran. Minsan sa araw na yun ang dami kong pinaplanong gawin pero pag dumating na yung day na yun tinatamad na ko hanggang sasabihin ko bukas nalang, pag dumating naman yung bukas na yun tinatamad nanaman ako hanggang sa sasabihin ko nanaman bukas nalang. Siguro kung may medicine para sa sakit na katamaran ako ang magiging suki nun. At kung may makakadiscover ng gamot para sa sakit na katamaran siguro mabilis siyang yayaman, sa dami ba naman nang tinatamad, marami nga ba? mukhang ako lang naman ata. Pag iisipin ko na kasing gagawin ko na yung gagawin ko inaantok na ko. Pano kaya to ang hirap talaga kalaban ang sariling katamaran. Sabi nga ng mama ko dapat daw Juana nalang daw yung pangalan ko kasi ako daw yung girl version ni Juan tamad. Sabi pa nga nang mama ko buti daw hindi pa daw ako tinatamad huminga. Dun ko naisip, ganun naba talaga ko katamad? para maisip yun ng mama ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment