Wednesday, September 8, 2010

Should I act like this?

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung sumusobra naba ko, hindi ko alam kung nagiging pakialamera naba ko, kung nagiging selfish naba ko, nagiging masyado naba kong perfectionist, o nagiging mapanghusga naba ko. Hindi ko talaga alam, bestfriends ko sila and dapat I am the one who will understand them better than the other people do. Pero sa halip na yun yung iact ko hindi eh. I know they are just a man who can commit mistakes sana maisip ko din yun. Pero sa twing naaalala ko yung ginawa nilang kasalanan nagagalit talaga ko sakanila. Bakit kailangan pa kasing maging victim sila ng premarital sex. Before puno kami ng mga pangarap, wala sa isip namin ang gumawa ng ganyang kasalanan, actually silang dalawa hindi ko naisip na magagawa pala nila yun. Sana silang dalawa nalang ang huling magiging victim ng premarital sex saming magkakaibigan kasi kung may dadagdag pa hindi ko na alam. Pero bakit ganun sa dalawa kong bestfriend na lalaki parang ok lang sakin na kumikembilar sila pero dun sa dalawa kong bestfriend na babae hindi ok. Alam mo yung gusto ko silang sampalin sa ginawa nila, one time nasabi ko pa na hindi kasi nila ginagamit yung isip nila na puro love nalang kasi. Pero sino ko para magsabi nun bestfriend lang naman nila ko, hindi naman ako yung nasa kalagayan nila kaya hindi ko alam kung pano nila yun nagawa. Sa sobrang paglabas ko ng galit ko sakanila they never say na bakit hindi naman buhay mo ang nasira. Sa araw na masabi nila yan sakin hindi ko alam kung anong isasagot ko. Buhay naman nila yun eh kahit pa sabihin na bestfriend nila ko, pero kasi nlaulungkot lang ako sa nagnyari sakanila. Konti nalang gagraduate na kami bakit hindi pa nila inantay yung right time kung talagang love sila ng boyfriend nila hindi yun gagawin sakanila syempre alam nilang masisira yung mga pangarap ng dalawa kong bestfriend. Pero sana lang talaga ginamit nila yung isip nila na hindi ganun kadali ang buhay.

No comments:

Post a Comment